Monday, June 18, 2018

Train to whatever...

Watching the Korean movie Train To Busan just showed me the problems with Filipino creativity. Sa totoo lang po. I don't blame the Filipino artists, the script writers. They are all working hard and proving themselves worthy. Totoo naman yan. The problem lies with this so-called "Pilipino Pride." 


Before the Incredible 2 was shown in local movie houses, nag-sawa ako sa kakaduldul ng GMA, ABS-CBN, ng so-called "galing" ng mga Pinoy sa 3D animation. Susmaryosep, as if tayo ang may-ari ng Pixar. Ulol! Trabahador lang tayo doon. Disney po at si John Lasseter ang may ari ng Pixar, hindi po Star Cinema. They also have Korean 3D artists. Yung The Incredibles 2 is not even our idea, it doesn't show anything "Filipino." Yung set-up ng Incredibles 2 is not the Philippine Island. The characters are not Pilipinos. At kung masyado pa nating "i-rararara!" yan ewan ko lang kung pinapansin natin ang mga names na lumalabas after the show. Sa totoo lang po, most people leave the theater bago pa man lang lumabas yun at halos walang nagbabasa ng mga maliliit na names na tumataas sa screen pagkatapos ng pelikula.

Now look...
Yung movie na Train To Busan, the concept is not original. Mala- The Walking Dead at World War Z. Hindi naman kasi sya precedent eh. But the thing is, nakagawa ang mga Koreano. It's their movie - Koreano mga artista, direktor, script writer. It happened in Korea yet sumikat yung movie sa labas ng Korea, even sa mga American and European audience. Yan ang sinasabi ko.

Tayo kasi we concentrate sa salitang "eh yan ang kumikita eh." Pero maraming nanood na Pilipino ng Train To Busan. "Eh walang pera, walang budget." TANGNANG YAN! Wala kayong pera? Wag kayong gumawa ng pelikula!

We concentrate too much sa mga walang ka-kwenta-kwenta. Yung mga script writers nating (with the orders of the executives from ABS-CBN or GMA) sa totoo lang, wala ng ka-kwenta-kwenta ang mga sinusulat sa TV at movies. Puro tayo putanginang "love team" na yan. We make films to cater these talentless love teams para saan? Kilig factors ng mga bobo't boba? Kung hindi naman ganyan, mga slapstick comedies na paulit-ulit ang plot. Paulit-ulit yung mga ideas. Wala na bang mas bago pa dito other than Vic Sotto or Vice Ganda? 

Pag nanood ka ng tanginang Metro Manila Filmfest bullshit na yan, ano? Yung ding nakikita mo sa TV, yun din yun. Mamayang konti lalabas lang yan sa mga pirated DVD sa Quiapo o sa mahiwagang Black Box ng ABS-CBN. 20 to 30 pesos lang yan. Then what? May maglalabas ng so-called PILIPINO 3D animation daw...

Palakpakan ang mga ulol na "Pinoy Pride." 

My gulay, ni wala sa kalingkingan kahit mga animation shorts na nilalabas ng Pixar sa YouTube. Ganyan na nga lang ba lagi? "Eh, nag-uumpisa pa lang." Nag-uumpisa? Noong 1950's may mga cartoons na na lumalabas sa Pilipinas.  By 1960's nakagawa na ang Japan ng kanilang Anime. Nakagawa na sila ng style nila at kinabaliwan ng mundo hanggang ngayon. Pinoy 2D cartoons, ano? Captain Barbel at Darna sa Channel 9? Tagal na yan ha…until now, wala nga tayong 2D cartoons. Nag-uumpisa pa lang? Vietnam nga may cartoons na. Malaysia nga may 3D cartoons na at lumalabas pa sa Disney Channel. Tayo? Yun, nakontento sa pagdudub sa Tagalog ng Sponge Bob at Sofia the First.

Hirap kasi sa atin, mahilig tayo sa consuelo de bobo. Kontento na tayo sa "pat at the back." Laborer lang ng isang foreign company ayun, labas agad ang Banda De Malabon. 

Wake up guys!  Na-iiwan na tayo! 

Maybe instead of cheering for nothing, we should start to accept the fact that we are being treated as nothing but nameless workers. Pag natanggap nyo na ang katotohanan, then start working for our OWN IDENTITY. OUR OWN ANIMATION. At pag may nagawa na tayo at naipakita na kaya natin na gumawa sa sarili natin ng isang mahusay and dekalidad na animation (without swinging like hungry monkeys sa film production ng ibang bansa), saka natin ipag-malaki.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... }, 10);
netoops blog